ALL ARTICLES

5 Movies to Watch with Nanay this Mother's Day

Alodie Co | May 12, 2017
MOTHER'S DAY MOVIES ON C1
Dahil deserve niyo ni Mother mag-movie marathon all day this Mother's Day! πŸ’“

Bihira nating makita ang ating mga dakilang Nanay na nahihirapan, nasasaktan, o umiiyak…. Maliban na lang ‘pag nanunood sila ng Sharon Cuneta movie. Makikita mo na lang silang may hawak na tissue at sinasabayan si Mariel sa pagsabi ng “I was never your partner. I’m just your wife.”

via GIPHY

At dahil mahal mag-movie marathon sa sinehan, at illegal ang magdownload sa internet (TIGIL MO NA ‘YAN HUY), we bring you 5 movies to watch with your nanay this Mother’s Day!


1. ONE MORE TRY

Kung hindi mo pa ‘to napapanood, either 1. Nakatira ka sa kuweba or 2. Bigla kang naglaho sa mundo noong 2012. This movie starring Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, and Zanjoe Marudo has one of the best pasabog lines in Filipino movies.
Why it’s perfect to watch with your Nanay: Dahil alam nating ang pasensya niya ay konting konti na lang, pero mahal ka pa rin niya nang lubusan.
Watch it on Cinema One Sunday, May 14, 4PM.

2. MOMZILLAS

Why it’s perfect to watch with your nanay: Sabi nila….kaya daw tayo in-a-add ng nanay natin sa Facebook kasi gusto niyang malaman kung sino ang nilalandi natin – AND IT’S NORMAL. Moms only want what’s best for their children. Kaya naman siguradong relate ka at ang Nanay mo sa pelikulang ito starring Maricel Soriano, Eugene Domingo, Billy Crawford, and Andi Eigenmann
Mapapanood mo ‘yan sa Cinema One ngayong Mother’s Day at 2 PM!

3. ANG CUTE NG INA MO

Why it’s perfect to watch with your Nanay: Minsan sa sobrang busy natin with acads, work, friends, love life, nalilimutan na natin ang ating number 1 friend and fan girl: Our Inay. No worries, this movie will surely break all barriers and leave you and your mom laughing with Ai-ai’s funny remarks and Anne’s adorableness.
Kung gusto mo ‘tong mapanood, tutok lang at 9AM this Mother’s Day sa Cinema One!

4. MAY NAGMAMAHAL SAYO

Why it’s perfect to watch with your Nanay: Despite the movie being released in 1996, this movie speaks of a mother-son relationship we so often see today. It’s about a mother who gave birth to a son out of wedlock and decided to give him away. Magkikita pa ba sila? SECRET. Ang masasabi lang namin: “Tissue for two please!”
Perfect ‘tong panooring with your Sunday Breakfast ngayong Mother’s Day, 7AM, sa Cinema One!

5. TO MAMA WITH LOVE

Why it’s perfect to watch with your Nanay: Alam nating hindi madali maging isang ina, lalo na kung naging tatay na rin siya at the same time dahil naghide-and-seek si daddy. Kahit ganoon, our Nanays make it a point to shower us with love – and this is the perfect movie to show her that you’ll also take care of her no matter the circumstance. ;)
Time showing: 1 AM ( O BAKIT? MOTHER’S DAY, BEH! START THE DAY EARLY!)
 

O ayan ha. Hindi naman kailangan ng bonggang surprise or P5,000 worth of GCs para maging special ang Mother’s Day. Minsan, ang gusto lang ng isang ina ay ang sabayan mo siyang tumawa, umiyak, at mag-ubos ng tissue habang nanonood ng mga paborito niyong Filipino blockbuster movies. ;)

Lahat ‘to ang handog ng Cinema One para sa inyo ngayon Mother’s Day, May 14!

Happy Mother’s Day sa inyong lahat! 

Comments