ALL ARTICLES

JEEPNEY TV: JC De Vera, magpapakasal na?

Allen Riveral | Jul 31, 2018
JEEPNEY TV: JC De Vera, magpapakasal na?
Happy Daddy ang aktor na si JC De Vera sa kanyang anak na si Baby Lana. Ibinahagi ni JC sa Tonight with boy Abunda na malaki ang kanyang pinagbago mula ng dumating sa buhay nila si Baby Lana. “Nung nandun ako sa operating room, as in nasalo ko yung daughter ko. As in, ako yung humila dun sa head niya. So that moment, sabi ko sa sarili ko, puprotektahan ko ‘tong batang ‘to, kahit anong mangyari. As in nakarga ko siya ng walang praktis-praktis.” Sa ngayon ay Plano na rin ni JC at ng kanyang partner at ina ni Baby Lana na si Rikkah Cruz ang magpakasal. “Ang goal namin by the time na nagwo-walk na si Lana, ang gusto ko sana sumama siya sa Mom niya na maglakad sa aisle. Pinag-iipunan ko yun ngayon.”

Comments